^

PSN Palaro

Altas nilamon ng Red Lions sa NCAA

-
Bumalikwas ang San Beda College sa dalawang sunod na kabiguan nang kanilang pasadsarin ang University of Perpetual Help Rizal sa pamamagitan ng 91-76 panalo sa NCAA men’s basketball tour-nament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Umangat ang SBC Red Lions sa 1-2 record na nakabawi sa Colegio de San Juan de Letran at Jose Rizal Univer-sity, 69-63 at 104-75 ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan ni Jerome Paterno ang San Beda sa paghakot ng 20-puntos at limang rebounds upang ipalasap sa Perpetual ang kanilang ikalawang sunod na talo.

Humataw ang Bedans sa ikatlong quarter sa paghakot ng 34-puntos kumpara sa 19 lamang ng UPHR Altas upang kunin ang 17-puntos na kalamangan papasok sa ikaapat na quarter.

Nagbida si 6’2 forward Mike Apepe sa naturang yugto nang kumunekta ito ng tatlong tres upang ibangon ang Red Lions mula sa 40-41 deficit patungo sa 49-41 kalamangan.

Sa ikaapat na quarter, pinagtulungan nina Paterno, Arjun Cordero at Ronnie Bughao ang 17-8 salvo para sa 26-puntos na kalamangan 86-60, 4:31 na lamang ang oras sa laro.

vuukle comment

ARJUN CORDERO

JEROME PATERNO

JOSE RIZAL UNIVER

MIKE APEPE

RED LIONS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

RONNIE BUGHAO

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with