Balik Ateneo Si Banal
July 12, 2003 | 12:00am
ISANG laro lang ang mami-miss ni coach Joel Banal sa 2003 season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na magsisimula ngayon sa Araneta Coliseum. Itoy ang paikipagsagupa ng Blue Eagles sa University of the East Warriors bukas.
Kasi ngay tatapusin muna ni Banal ang kanyang commitment bilang acting head coach ng Talk N Text Phone Pals na kalaban ng Coca-Cola Tigers sa best-of-seven Finals ng Samsung-PBA All-Filipino Cup.
Bukas kasi ay nakatakda ang Game Six sa pagitan ng Phone Pals at Tigers sa Cuneta Astrodome. Kung magkakaroon ng Game Seven, itoy gaganapin sa Araneta Coliseum sa Miyerkules.
Ang ikalawang laro ng Ateneo Blue Eagles ay nakatakda sa Huwebes kontra sa Far Eastern University Tamaraws na hawak naman ng nakababatang kapatid ni Joel na si Koy. Maagang confrontation ito ng mag-utol at magugunitang noong isang taon ay dalawang beses na nagkaroon ng overtime sa kanilang mga sagupaan. Bale 1-1 ang kanilang record.
Wala namang nilalabag na rules ng PBA si Banal dahil sa acting head coach lang naman siya. Ayon sa PBA rules hindi puwedeng humawak ng collegiate o ibang commercial teams ang isang head coach sa kanilang liga.
Iba naman ang kaso ni Joel kay Paul Ryan Gregorio na noong isang taon ay nagsilbi ring interim head coach ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs nang mahirang na assistant coach ng RP Team si Eric Altamirano. Kaya napuwersa si Ryan na ipasa sa kanyang kapatid na si Allan ang head coaching job ng University of the Philippines Fighting Maroons ay dahil sa hindi niya mabitawan ang Hotdogs. Kasi dalawang conferences niya itong hinawakan at hindi gaya ni Joel na isang conference lang.
Sa tutoo lang, marami ang nagtataka kung bakit hindi binitawan ni Joel ang Blue Eagles gayong pangarap ng kahit na sinong coach na makaangat sa PBA.
Puwes, nais kasi ni Joel na makatikim ng back-to-back champion-ships ang Ateneo at naniniwala siyang kaya nilang gawin ito kahit na wala na si Enrico Villanueva sa kanilang poder.
"Nasa Ateneo pa naman ang two-time MVP na si Rich Alvarez. Mayroon din naman kaming na-recuirt na malalaking players na puwedeng humalili kay Enrico. Ayaw ko namang iwanan ang Blue Eagles nang ganoon na lang," ani Banal na gumiya sa Ateneo upang makamit nila ang kampeonato noong isang taon nang talunin nila sa Finals ang karibal na Dela Salle Green Archers.
Sayang nga lang at wala si Joel mamaya sa paghaharap nila ng UE Warriors. kasi nga, tiyak na nagngingitngit pa ang Warriors na mayroong twice-to-beat advantage sa Final Four noong isang taon subalit dalawang beses na tinalo ng Blue Eagles.
Natural na nais ng Blue Eagles na patunayan na hindi tsamba lang ang mga panalong iyon.
Baka naman puwede din nilang gawin ito kahit na wala si Joel.
Ang tanong ay ito: Sino ang hahawak sa Talk N Text sa darating na Mabuhay Cup?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended