Gallego umabot sa last trip ng World Pool Championship
July 12, 2003 | 12:00am
Dinaig ni Ramil Gallego ang Swiss bet na si Marco Tschudi, 6-4, upang makasama ang mga kababayan sa 128-casts ng World Pool 9-ball Championships na magsisimula ngayon sa Cardiff International Arena, Cardiff, Wales.
Inokupahan ni Gallego ang huling puwesto sa Group 9 ng 8-player, 16-group cast. Ang grupo ay pangungunahan ni Warren Kiamco, isa sa tatlong Filipino na seeded dito kasama sina 1999 champion Efren Bata Reyes at 2002 runner-up Francisco Django Bustamante.
Ang kumpletong lahok ay maglalaban-laban sa race-to-5 sa ilalim ng alternate break format.
At sa pagtatapos ng group section, ang pangunahing apat na players na aabante na kani-kanilang grupo ang uusad sa last 64 at ang huling apat naman ang mapapatalsik.
Ang huling 64 ay race-to-9 duel. Susundin ng torneo ang winner break format mula dito. Ang ikatlong round, quarterfinals at semifinals ay race-to-11 habang ang kampeonato ay ang mahabang race-to-17 pagsasagupa ng magwawagi na siyang mag-uuwi ng pangunahing premyo na $65,000.
Si Bustamante ang mamumuno sa Group 2 habang si Reyes ang top seed sa Group 4 na kabibilangan ng isa pang Pinoy na si Ronnie Alcano.
Nasa Group 5 naman si Marlon Manalo na pangungunahan ni 2001 champion at kamakailan lamang ay nagwagi sa RP vs Europe 9-ball duel na si Mika Immonen ng Finland.
Kabilang naman sa Group 10 si Lee Van Corteza na pinamumunuan naman ni American Corey Deuel, habang si Dennis Orcullo ay nasa Group 14 na si Swede Marcus Chamat ang lider.
Ang second ranked-player na si Antonio Lining ay nasa Group 16 sa likuran ng beteranong American campaigner na si Nick Varner.
No. 1 player naman sa Group 3 si 1996 champion Ralf Souquet ng Germany at ang defending champion na si Earl Strickland ang lider sa Group 1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended