^

PSN Palaro

Tanamor umusad sa medal bout

-
BANGKOK -- Nagpamalas si Asian Games silver medalist Harry Tanamor ng impresibong performance noong Miyerkules ng gabi upang gapiin ang kanyang kalaban at makasama ang kababayang si Violito Payla sa quarterfinals ng World Amateur Boxing Championships dito sa Nimibutr Gymansium.

Binugbog ng 23-anyos na si Tanamor, isang Armyman mula sa Zam-boanga ang kalabang si Bonix Saweho ng Indonesia mula sa umpisa pa lamang ng pagtunog ng bell at hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon ang Indon pug na makabangon at iposte ang RSC-CCL (Referee Stopped Contest-Com-pulsary Count Limit) sa loob lamang ng dalawang rounds.

Ang panalo ay nagdala kay Tanamor, ang nag-iisang RP medalist sa nakaraang yugto ng biennial championships na ito sa Ireland kung saan nag-uwi siya ng bronze medal, sa last 8 ng lightflyweight division noong Martes kontra kay Zhmarlik Starhei ng Belarus.

"Nang mapansin ko na nag-aabang lang siya (Saweho), nagpakawala na ako ng mga 1-2, 1-2 combinations. Nang bigyan siya ng eight count, hindi ko na tinigilan," wika ni Tanamor na aakyat sa ibabaw ng lona na una kay Payla.

Si Payla ay kakampanya sa flyweight class at kanyang makakasagupa ang defending champion na si Jerome Thomas ng France.

Ang panalo ng sinuman kina Tanamor at Payla ang magbibigay sa kanila ng awtomatikong bronze medals, habang magtatangka na makapasok sa championship bouts. Nakatakda ang semifinal sa Biyernes.

Ang panalo ni Tanamor ay pinuri ni delegation head Manny Lopez, na siya ring presidente ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at secretary general ng Federation of Asian Amateur Boxing (FAAB) kung saan ang nasabing tagumpay ang muling nagpalakas ng kampanya ng RP Revicon Boxing Team.

"That was a morale-boosting victory. It was the win needed to lift the team’s spirit," wika ni Lopez.

"It was a big and impressive win. But this should not make us over confident," ani Lopez. "Kahit maganda ang galaw ng mga bata, mahi-rap ang nawawala sa konsentrasyon dahil sa kumpiyansa. And I hope that our luck will stretch to the coming rounds."

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN GAMES

BONIX SAWEHO

COUNT LIMIT

FEDERATION OF ASIAN AMATEUR BOXING

HARRY TANAMOR

JEROME THOMAS

LOPEZ

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with