RP 5 buo na
July 10, 2003 | 12:00am
Inihayag kahapon ni national coach Aric del Rosario ang kumpletong lineup ng RP mens basketball team na isasabak sa 22nd Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Disyembre.
Kabilang sa lineup na isinumite na kahapon ni del Rosario sa Basketball Association of the Philippines (BAP) at POC sina Romar Menor, Richie Melencio, Dennis Madrid, Mark Pingris, Emerson Oreta, Willy Wilson, Ricky Calimag, Irwin Sotto, Nelbert Omolon, Gary David, Ismael Junio, Bernson Franco at Celino Cruz.
Ang nabuong national team ang ilalaban sa PBA Asian Invitational na tatam-pukan ng anim na PBA squads at tatlong dayuhang koponan.
Matapos ito, lalahok din ang RP Five sa Asian Basketball Confederation (ABC) Mens Championships sa China sa Setyembre 22 hanggang Oktubre 2.
Ang RP team ang siyang defending champion sa mens basketball sa SEA Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended