Ang 19 anyos na Pinoy na pangwalo sa rankings sa 69 man lahok na ito ng FIDE Open 9-round swiss system tournament ay lumasap ng kanyang unang kabiguan laban sa French IM na si Arnaud Payen matapos na hindi gamitin ang kanyang pet line sa opening ng Kings Indian Defense at imbes ay gumamit ng Nimzo Indian Defense na naglagay sa kanya para maubos ang oras matapos ang 39 sulungan sa ikatlong round.
Ngunit dinaig naman sina Fabrice Giroux at FM Abdelaziz Onkoud ng France sa round at 2 ayon sa pagkakasunod.
Si Paragua ay may tatlong panalo at isang talo sa apat na laro at nakatabla sa 6th to 16th place kasama sina 4th seed GM Alberto David ng Luxem-borg; FM Lagrave Maxime-Vachier; IM Amir Bagheri; IM Afek Yochanan; IM Arnaud Payen; IM Todor Todorov ; FM Thal Abergel; FM Sebastien Cossin; Jonathan Doure-rassou at IM Philippe Brochet.
Nakipag-draw naman ang bagong IM na si Joseph Sanchez kay Stephane Schabanel ng France para pagandahin ang kanyang record sa 1 win, 2 draw at 1 lose na may kabuuang 2.0 points.