Ginapi ng 24 anyos na flyweight mula sa Cagayan de Oro ang kalabang Tsino na si Zov Gang 33-21 at itakda ang medal bout kontra sa defending champion na si Jerome Thomas ng France.
Ang tagumpay ni Payla ay bahagyang tumabon sa kabiguang nalasap ni Arlan Lerio sa bantamweight division kung saan ang nagbabalik na Olympian mula sa Mindanao ay tumanggap ng dikit na 25-22 decision kontra kay Han Sung Moon ng South Korea upang maka-sama ang mga kababayang sina Joegen Ladon at Florencio Ferrer sa sideline.
Noong Lunes ng gabi, tinanggap ni Ladon ang 27-18 desisyon mula sa Frenchman na si Dangnoko Boubakar sa featherweight habang na-talo naman si Ferrer sa Romanian na si Lon Dan, 26-8 sa welterweight division makaraan ang impresibong RSC-O win kontra sa Brunei pug noong opening.
At sa hindi inaasahang maagang pagpapahinga ni Lerio, ang kapa-laran ng Pinoy boxers na ipinadala dito ng Revicon sa suporta ng Philippine Sports Commission, Family Rubbing Alcohol, Accel at Pacific Heights ay nakasalalay sa balikat nina Payla at lightfly-weight Harry Tanamor.
"It will be a very tough uphill climb for the two boys (Payla at Tanamor). But I am confident that the RP Revicon will not go home without a medal," wika ni ABAP president Manny Lopez.
Si Tanamor, bronze medalist sa huling edisyon ng championships sa Ireland noong 2001 ay naka-bye sa first round at nakatakdang humarap sa Indonesian na si Bonix Saweho sa round-of-16.