Ang kampeonato na humatak ng 580 archers mula sa 81 bansa ay magsisimula sa Hulyo 15 na magsisilbi ding pre-qualifying tournament para sa 2004 Athens Olympics. Ang top 48 men at 48 women ang awtomatikong magkakapuwesto sa Olympics.
Gayunpaman, malamang na hindi makasama sa national team ang No. 1 archer ng bansa na si Jennifer Chan na nagkaroon ng problema sa kanyang visa gayung ilang beses na itong pumunta sa Amerika.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Jasmin Figueroa na lalahok sa kanyang unang international tournament, Rachelle Ann Cabral, Joann Tabanag, mens No. 1 Christian Cubilla, Marvin Cordero, Florante Matan at Arnold Rojas sa recurve division.
Sa compound division naman, lalahok sina Raul Ramon Arambulo, Carlos Carag, Manuel Martinez at Clint Sayo.
Umapela naman sa Malacañang si Chan, natatanging partisipante sa Sydney Olympics, na makialam na sa kanyang problema sa visa.
"Sayang naman kung hindi ako makakapunta. Yung Olympics ang main reason bakit ako nagtitiyagang mag-training araw-araw," aniya.