^

PSN Palaro

Pinoy archers sali sa World Championships

-
Aalis bukas ang Philippine archery team patungong New York para lumahok sa prestihiyosong World Archery Championship.

Ang kampeonato na humatak ng 580 archers mula sa 81 bansa ay magsisimula sa Hulyo 15 na magsisilbi ding pre-qualifying tournament para sa 2004 Athens Olympics. Ang top 48 men at 48 women ang awtomatikong magkakapuwesto sa Olympics.

Gayunpaman, malamang na hindi makasama sa national team ang No. 1 archer ng bansa na si Jennifer Chan na nagkaroon ng problema sa kanyang visa gayung ilang beses na itong pumunta sa Amerika.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Jasmin Figueroa na lalahok sa kanyang unang international tournament, Rachelle Ann Cabral, Joann Tabanag, men’s No. 1 Christian Cubilla, Marvin Cordero, Florante Matan at Arnold Rojas sa recurve division.

Sa compound division naman, lalahok sina Raul Ramon Arambulo, Carlos Carag, Manuel Martinez at Clint Sayo.

Umapela naman sa Malacañang si Chan, natatanging partisipante sa Sydney Olympics, na makialam na sa kanyang problema sa visa.

"Sayang naman kung hindi ako makakapunta. Yung Olympics ang main reason bakit ako nagtitiyagang mag-training araw-araw," aniya.

ARNOLD ROJAS

ATHENS OLYMPICS

CARLOS CARAG

CHRISTIAN CUBILLA

CLINT SAYO

FLORANTE MATAN

JASMIN FIGUEROA

JENNIFER CHAN

JOANN TABANAG

MANUEL MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with