^

PSN Palaro

Ginawa sa KL SEAG lalagpasan

-
Ipinangako ni Steve Hontiveros, chairman ng SEAG Technical Com-mission na malalagpasan nila ang ginawa ng bansa sa Kuala Lumpur may dalawang taon na ang nakakalipas.

"We’ll do our best to surpass whatever we achieved in Malaysia in 2001," ani Hontiveros, nang maging panauhin ito sa PSA Forum kahapon sa Manila Pavilion kasama si RP Chef de Mission Julian Camacho.

Ang Pilipinas ay humakot ng 31 gintong medalya sa Malaysia SEA Games para sa ikalimang puwesto sa pangkalahatan, kulang ng dala-wang gintong medalya para sa 4th place na nakuha ng Vietnam.

At sa pagho-host ng Vietnam sa kauna-unahang pagkakataon nga-yong Disyembre, ipit na naman ang mga Pinoy at mahihirapan na mapag-wagian ang pangunahing karangalan sa rehiyon na paglalaban ng Thailand, Indonesia, Malaysia at ng host Vietnam.

Ngunit hindi nangangamba si Hontiveros.

"I believe we can pull this one off. As long as we believe in our athletes at magtutulong-tulong tayo," dagdag ni Hontiveros sa naturang forum na hatid ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR.

Hindi tulad ni Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain na hayagang nagsabi na kapag nakasungkit ang bansa ng 60 golds ay sapat na para makapuwesto sa ikatlong p-sisyon sa Vietnam. Ayaw magbigay ng prediction ni Hontiveros, na siya ring pinuno ng bowling association.

AGFA COLORS

ANG PILIPINAS

ERIC BUHAIN

HONTIVEROS

KUALA LUMPUR

MANILA PAVILION

MISSION JULIAN CAMACHO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RED BULL

STEVE HONTIVEROS

TECHNICAL COM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with