Kampanya ng Pinoy isinalba ni Payla
July 9, 2003 | 12:00am
BANGKOK -- Isinalba ni Violito Payla ang biglang naghihingalong RP Revicon Boxing Team nang pigilan niya ang kalaban at umabante sa ikalawang round ng flyweight division competitions sa World Ama-teur Boxing Championships sa Nimibutr gymnasium dito.
Gamit ang kanyang karanasan, pinatiklop ng beteranong si Payla ang kalabang si Safiulin Artom sa ikatlong round na may standing eight count para sa RSC-CCL (Referee-Stopped-Contest-Compulsary Count Limit).
"Straight, straight lang sir tapos lumusot yung kanan ko kaya na-groge siya ng tatlong beses at ihinto ng referee. Lalo akong lumakas noong unang eight count niya tapos ang lakas pa ng suporta ng mga kasamahan ko kaya hindi ko na tinigilan," pahayag ni Payla na isinaayos ang round-of-32 match kay Zov Gang ng China.
Ngunit sa pagsulong ni Payla, yumuko naman sina featherweight Joe-gen Ladon at welterweight Florencio Ferrer sa championships na humatak ng 334 boxers mula sa 67 nations.
Si Ladon, nasa kanyang ikatlong international tournament lamang ay lumasap ng 27-18 decision mula sa Frenchman na si Dangnoko Boubakar habang si Florencio, na makaraang magwagi sa Brunei pug sa first round, ay tinalo naman ng Romanian champion na si Lon Dan, 26-8.
"Maganda naman ang ipinakita nina Jo-gen at Florencio, pero talagang hindi pa gaanong hinog. Lumaban sila ng husto pero sob-rang bilis at galing sa counterpunching yung mga kalaban," wika ni coach George Caliwan.
Ang kabiguan ng dalawa ay nag-iwan na lamang sa tatlong Pinoy na ipagpatuloy ang kampanya ng bansa dito na naging posible dahil sa Revicon at suportado ng Philippine Sports Commission, Family Rubbing Alcohol, Accel at Pacific Heights.
Sisimulan naman ng nagbabalik na si Arlan Lerio ang kanyang kam-panya sa bantamweight division sa kanyang pakikipagharap sa South Korean pagkatapos ng Payla-Zov bout. Naka-bye naman si Harry Tanamor sa first round sa lightflyweight division at makakalaban ang Indonesian sa Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended