^

PSN Palaro

Red Lions binomba ng JRU

-
Inilampaso ng Jose Rizal University ang San Beda College, 104-75 sa NCAA-men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng JRU Heavy Bombers matapos ang 91-77 pamamayani kontra sa Mapua Institute of Technology na lumukob sa kanilang 77-81 kabiguan noong opening day laban sa defending champion San Sebastian College.

"Halos four years ko nang tinatalo ang San Beda eh. Kahit sa Father Martin’s Cup tinatalo namin sila," pahayag ni coach Boy de Vera.

Bunga ng kabiguang ito, bumagsak ang Bedans sa 1-2 win-loss record.

Pinangunahan ni Marco Fajardo ang Bombers sa kanyang paghakot ng 20-puntos kasunod ni Wynsjohn Te na may 14 para sa Jose Rizal na umabante ng 32-puntos sa 100-68.

"Sobrang ganda ng inilaro ng mga bata both from offensive and defen-sive end," wika pa ni De Vera.

Ang panalong ito ay kanilang paghihiganti sa 56-86 pagkatalo ng kanilang junior counterparts na Light Bombers kontra sa SSC Staglets.

DE VERA

FATHER MARTIN

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LIGHT BOMBERS

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARCO FAJARDO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with