Umaasang makaka-iskor sa wala pang panalong karibal, nagkabalig-tad ang pangyayari nang maramdaman ni Lining na siya ang nagdedepensa matapos na mapagwagian ni Chamat ang lag at ang dalawang unang racks, kabilang na ang ikalawa nang magmintis ang Pinoy sa green 6 sa side pocket matapos na pahangain ang mga manonood sa kanyang mahusay na tira sa No. 2.
Ang kabiguan ay ikatlo ni Lining sa apat na laban, humina ang tsansa na makakuha ng ikalawang semis berth. At nagbigay naman ito ng pagkakataon kina Francisco Django Bustamante at Warren Kiamco na kapwa may magkatulad na 1-2 slates.
Kailangang magwagi nina Bustamante at Kiamco kina German Ralf Souquet at Dutch Niels Feijen, ayon sa pagkakasunod upang manatiling nasa kontensiyon para sa ikalawang semis slot.
Nakuha na ni Efren Bata Reyes ang unang upuan sa semis nang magwagi ito kay Souquet noong Huwebes ng gabi, habang sa European side nakuha ni Mika Immonen ang puwesto. Ang dalawang players ay kapwa wala pang talo at kasalukuyang naglalaban para sa no-bearing match habang sinusulat ang balitang ito.