^

PSN Palaro

Pangarap n GM ni Paragua maaaring

-
Maaaring matupad ang pangarap ni IM Mark Paragua na maging ikaapat na Grandmaster ng bansa ngayong taon.

At para matupad ito at makahanay sa mga Pinoy GMs na sina Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor, kailangang lumahok ang 19 anyos na si Paragua ng lima hanggang anim na international tournaments ngayong 2003 para sa dalawang kailangang GM norms niya.

"Iyon lang naman talaga ang dream ko, maging Grand Master," wika ni Paragua, na aalis ngayong gabi patungo naman sa Paris para lumahok sa isa pang torneo.

Si Paragua ang ikalawang slot sa World Chess Championships sa Minorca, Spain, pangalawa kay Ronald Dableo na nag-champion sa Asian Zonals 3.2a sa Vietnam kamakailan lamang.

Si Paragua ay kasama ni Dableo na bumisita at nagbigay-galang kay PSC chairman Eric Buhain kahapon at bilang ganti sa karangalang ibinigay nila sa bansa, sinabi ni Buhain na tutulungan sila sa kanilang pagsasanay para sa Vietnam SEA Games.

Tinalo ni Paragua si Antonio sa blitz playoff para sa karapatang kumatawan sa World Championships.

vuukle comment

ASIAN ZONALS

BONG VILLAMAYOR

ERIC BUHAIN

EUGENE TORRE

GRAND MASTER

JOEY ANTONIO

MARK PARAGUA

PARAGUA

RONALD DABLEO

SI PARAGUA

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with