^

PSN Palaro

2nd win target ng SSC Stags

-
Nakataya ang ikalawang sunod na panalo sa sagupaan ng defending champion San Sebastian College at University of Perpetual Help Rizal sa pagpapatuloy ng eliminations ng National Collegiate Athletics Association men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatakda ang sagupaan ng Altas at Stags sa alas 2:00 ng hapon pagkatapos ng engkwentro ng kanilang junior counterparts sa pambungad na laban sa alas-11:30 ng umaga.

Kapwa naging matagumpay ang San Sebastian at Perpetual sa kanilang unang asignatura noong nakaraang Sabado para sa 1-0 kartada.

Tinalo ng Baste ang Jose Rizal University, 81-77 habang pinasadsad naman ng Altas ang College of St. Benilde sa iskor na 76-69.

Sa ikalawang seniors game, maghaharap naman ang Philippine Christian University at ang CSB Blazers sa dakong alas-4:00 ng hapon na susundan naman ng sagupaan ng kanilang juniors.

Sinandalan ng Stags sina Leomar Najorda, Pep Moore at Nicole Uy nang kumawala ang Baste sa second half tungo sa kanilang tagumpay at inaasahang ang mga ito ang muling magdadala ng team.

Nagpakitang gilas ang mga bagong saltang sina Dominador Javier, Robert Barnson at Khiel Misa para sa Baste ngunit si Marcel Cuenco ang naging tagapagligtas ng San Sebastian sa kanilang nakaraang laro. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ALTAS

COLLEGE OF ST. BENILDE

DOMINADOR JAVIER

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KHIEL MISA

LEOMAR NAJORDA

MARCEL CUENCO

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETICS ASSOCIATION

NICOLE UY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with