Sinamantala ni Reyes ang maling breaks ng Dutch na si Niels Feijen at nakawin ang tatlong racks tungo sa pagposte ng 7-3 panalo, ang kanyang ika-lawang sunod na tagumpay makaraang gapiin si Marcus Chamat sa isa ring lopsided na 7-2 panalo.
Tangka niyang itala ang ikatlong panalo kontra kay German Ralf Souquet na magbibigay sa kanya ng puwesto sa crossover semis.
Matapos malasap ang 6-7 kabiguan kay Feijen noong hatinggabi ng Miyerkules, nakabangon si Bustamante nang salansanin nito ang lima sa huling pitong racks para sa 7-4 panalo.
Sumandal sa kamalian ni Chamat sa fifth rack, umiskor ng 4-5 com-bination si Bustamante upang basagin ang 2-2 pagkakatabla at mapag-wagian ang laban nang ma-scratch ang Swede matapos ipasok ang ball no. 8 sa corner pocket.
Kapwa nakuha ng players ang rack sa breaks bagamat kinailangan pa ng suwerte ni Bustamante, runner-up sa World Championship noong isang taon, sa ball no. 1 nang tumama sa bank shots bago lumusot sa side pocket na ikinasiya ng manonood.
Nanlumo si Chamat sa tira ni Bustamante na nagbigay sa kanya ng momentum na kailangan para sa kanyang laban kontra kay top seed Mika Immonen.
Hindi naman sumabay sina Antonio Lining at Warren Kiamco sa magandang kapalaran ng mga kababayan.
Yumuko si Lining kay Ralf Souquet ng Germany, 7-6 habang dinaig ni Mika Immonen si Kiamco, 7-3.