Talk N Text babawi
July 4, 2003 | 12:00am
Inaasahan ni defending champion Coca-Cola coach Chot Reyes na babawi ang Talk N Text sa Game-Two ng Samsung PBA All-Filipino Cup Finals ngayong gabi sa Araneta Coliseum kaya naman pinag-handaan na nila ito.
Papasok sa alas-7:30 ng gabing sagupaan, hawak ng Tigers ang 1-0 kalamangan sa best-of-seven series ngunit ayon kay coach Chot Reyes, hindi ito bentahe sa kanila.
"The series is going to be a lot tougher than that," ani Reyes.
"We cant get too comfortable out there even after (the Game-One) win. We still have to work hard because we know Talk N Text has what it takes to beat us," sabi naman ni Jeffrey Cariaso na nagbida sa nakaraang tagumpay ng Tigers.
Sa likod ng mainit na temperatura ng Cuneta Astrodome bunga ng depektibong airconditioning, naging epektibo naman ang shooting ng Tigers na naging dahilan ng 93-79 panalo.
Ang Tigers ay 11-of-27 mula sa rainbow area na siyang kumitil sa kampanya ng Talk N Text.
"Thats 40.7 percent. Thats 33 points. If they keep shooting like that, were going to have a tough time this series," ani Talk N Text coach Joel Banal.
Umaasa naman si Reyes na maging epektibong muli ang kanilang shooting.
"Its always important because Talk N Text is a big team and the only way to beat big teams is to make your shots from the outside," ani Reyes.
Nakasalalay naman kay Asi Taulava at Jimmy Alapag, na nalimitahan sa career-low na limang puntos lamang, ang pag-asa ng Phone Pals.
Bilang game-opener ng Mabuhay Cup, ang single round tournament kung saan manggagaling ang huling team na makakasama sa Asian Invitationals, magsasagupa naman ang Shell at Purefoods sa unang laro, alas-5:00 ng hapon.
Ang top team sa mini tournament na ito ang makakasama ng Red Bull, Talk N Text, Coca-Cola, San Miguel, FedEx, tatlong Asian teams at National mens team.
Bukod sa Shell at Purefoods, kasama sa torneong ito ang Alaska, Ginebra at Sta. Lucia. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended