Alaska third placer na
July 3, 2003 | 12:00am
Makaraang mabigong makapasok sa kampeonato, pinagbalingan ng Alaska Aces ng sama ng loob ang Sta. Lucia Realty nang kanila itong pasadsarin sa 102-79 panalo sa kanilang knockout game para sa konsolasyong third place ng Samsung PBA All-Filipino Cup sa Cuneta Astrodome.
Nakopo ng Aces ang kanilang ika-11th runner-up trophy, ikaapat sa kumperensiyang ito.
Humataw sa 22-10 kalamangan ang Alaska sa unang canto ngunit nagpursigi ang Sta. Lucia para makalapit sa 58-61 sa ikatlong quarter.
Hindi naman nagpabaya ang Aces nang kanilang pakawalan ang 18-3 run para kunin ang 76-64 bentahe na kanilang pinalobo sa 19 puntos upang tuluyang paluhurin ang Sta. Lucia na hindi na isinalang pa si Kenneth Duremdes.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Coca-Cola at Talk N Text sa pagbubukas ng kanilang best-of-seven titular showdown.
Samantala, magsismula na ang PBA Mabuhay Cup, ang bakbakan sa pagitan ng limang teams na maglalaban-laban para sa huling slot ng Asian Invitationals.
Bubuksan ng Shell at Purefoods ang aksiyon bukas bilang pampagana sa Game Two ng finals.
Samantala, isang koponan na pinaghalong 6-foot-5 and below imports at local (Filipino) talents ang itinatag ng prominenteng basketball agent mula sa Amerika na si Sam Unera na umaasa na ang nasabing grupo ay mabibigyan ng tsansa ng PBA na makapaglaro sa Asian Invitationals simula sa Hulyo 20.
Ang mga manlalarong Amerikano na hinugot ni Unera ay kinabibilangan nina Karem Reed, Mustafa Hoff, Darren Hardcock, Jermanie Walker, Quincy Wadley at Brian Taylor.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended