Masyado ng late ang NCAA games
July 2, 2003 | 12:00am
Bongga ang opening ceremonies ng NCAA nung Sabado. Libu-libong estudiyante ang nanood ng laro kaya naman punum-puno ang Araneta Coliseum.
At sulit na sulit dahil apat na magagandang laro ang napanood ng mga basketball fans. Sayang nga lang at dadalawang laro lang ang na-cover sa Studio 23.
Congratulations are in order para sa San Sebastian College sa pamumuno ni Frankie Gusi, ang athletic director ng SSC na siyang host school sa basketball season.
Talagang nagpakahirap si Gusi kasama ang iba pang miyembro ng management committee para lang masigurong magiging matagumpay ang opening salvo ng liga.
By the way, kung hindi rin lang kaya ng NCAA na makapag-opening ceremonies ng maaga, mabuti pang dalawang laro na lang ang i-schedule nila para sa kanilang opening day. Hindi yung ganyang apat na laro ang naka-schedule at hindi pa makapag-umpisa ng ala una ng hapon.
Biruin nyong yung fourth game eh alas nuebe y medya na ng gabi nag-umpisa. Lagpas alas-onse na ng gabi ito natapos.
Ang problema dyan eh yung mga estudiyante at babaeng cheerleaders na uuwi ng ganoong oras, lalo na dun sa ang bahay eh sa malalayong lugar. Baka mamaya eh kung anong mangyari sa mga yan sa daan sa ganyang dis-oras sa gabi.
Kahit yung game 3 eh gabing-gabi na rin nag-umpisa kaya yung mga estudiyante ng PCU at San Beda eh gabi na ring nagsipag-uwi.
Tingnan nyo sa UAAP. Two games lang sila pag-opening at yung dalawa pang laro eh ginagawa nila sa susunod na araw na lang.
Sana ganyan din ang gawin ng NCAA next year para naman di nag-aalala ang mga magulang ng mga estudiyante at cheerleaders.
First game ngayon ng Talk N Text at Coca Cola.
Defending champion ang Coca-Cola ni Chot Reyes pero gutom na gutom naman sa kampeonato ang mga bataan ni Joel Banal.
Naging maganda ang labanan nila sa semifinals.
I am sure dala-dala rin nila ang same intensity na ito ngayong nasa finals na sila.
Mapuno na kaya ang coliseum sa laro nila?
Tumaas na kaya ang ratings sa tv?
Magka-interes kaya ang mga basketball fans sa finals na ito?
Harinawa....
At sulit na sulit dahil apat na magagandang laro ang napanood ng mga basketball fans. Sayang nga lang at dadalawang laro lang ang na-cover sa Studio 23.
Congratulations are in order para sa San Sebastian College sa pamumuno ni Frankie Gusi, ang athletic director ng SSC na siyang host school sa basketball season.
Talagang nagpakahirap si Gusi kasama ang iba pang miyembro ng management committee para lang masigurong magiging matagumpay ang opening salvo ng liga.
Biruin nyong yung fourth game eh alas nuebe y medya na ng gabi nag-umpisa. Lagpas alas-onse na ng gabi ito natapos.
Ang problema dyan eh yung mga estudiyante at babaeng cheerleaders na uuwi ng ganoong oras, lalo na dun sa ang bahay eh sa malalayong lugar. Baka mamaya eh kung anong mangyari sa mga yan sa daan sa ganyang dis-oras sa gabi.
Kahit yung game 3 eh gabing-gabi na rin nag-umpisa kaya yung mga estudiyante ng PCU at San Beda eh gabi na ring nagsipag-uwi.
Tingnan nyo sa UAAP. Two games lang sila pag-opening at yung dalawa pang laro eh ginagawa nila sa susunod na araw na lang.
Sana ganyan din ang gawin ng NCAA next year para naman di nag-aalala ang mga magulang ng mga estudiyante at cheerleaders.
Defending champion ang Coca-Cola ni Chot Reyes pero gutom na gutom naman sa kampeonato ang mga bataan ni Joel Banal.
Naging maganda ang labanan nila sa semifinals.
I am sure dala-dala rin nila ang same intensity na ito ngayong nasa finals na sila.
Mapuno na kaya ang coliseum sa laro nila?
Tumaas na kaya ang ratings sa tv?
Magka-interes kaya ang mga basketball fans sa finals na ito?
Harinawa....
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am