Sa umpisa pa lang ng laro ay bahagyang nangapa ang Red Cubs dahil sa pagkawala ng kanilang dating mga starters na siyang naging susi sa pagsungkit ng korona noong nakaraang taon matapos na talunin ang Letran Squires.
Subalit nagpakitang gilas sina Vincent Martinez at Rogemar Menor na siyang nanalasa sa final na dala-wang quarters upang itakas ang kanilang panalo.
Nauna rito, itinala rin ng La Salle-Greenhills at SSC Staglets ang kani-kanilang panalo.
Naungusan ng Greenies ang UPHR Altalettes, 96-69, habang binomba naman ng Staglets ang JRU Light Bombers, 79-67.