^

PSN Palaro

Patas lang

-
Patas lang!

Ito ang kapwa ipinahayag ng mga bisitang European team at ng local bets hinggil sa kanilang tsansa sa On Cue! Europe vs Philippines 9-ball tournament na sasargo bukas sa The Loop Entertainment Center sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

"Sa tingin ko patas lang ang labanan dahil magagaling din sila, pahayag ni Efren ‘Bata’ Reyes na nakatakdang maging kauna-unahang Filipino na pararangalan ng Billiard Congress of America Hall of Fame sa Hulyo 12 sa isang media launching kahapon sa ELJ Building.

"Fifty-fifty siguro dahil marurunong din ang mga iyan," sabi naman ni Francisco ‘Django’ Bustamante, World Pool Championship runner-up noong nakaraang taon sa Amerikanong si Earl Strickland sa Cardiff, Wales.

Sina Bustamante at Reyes ay kapwa sumang-ayon na ang pag-kakaroon ng home court advantage ang isa sa magiging malaking bentahe para makalaro ng mabuti at talunin ang Europeans na pangungunahan ng 2001 world champion na si Mika Immonen ng Finland.

Pero kung ang pagbabasehan ang pagiging kalmante ni Immonen na tinaguriang ‘The Iceman’ inaasahang magiging mahirap para sa mga Filipinos ang makasagupa ito sa limang araw na tournament na ipala-labas ng Studio 23 simula sa Hulyo 2-6.

Ang iba pang makakasama nina Bustamante at Reyes na kakampanya sa bansa ay sina Warren Kiamco at Antonio Lining, habang ang makakatu-long naman ni Immonen ay sina Ralf Soquet ng Germany, Marcus Cha-mat ng Sweden at Neils Feijen ng Netherlands.

Habang kumpiyansa naman si Immonen sa kanilang nalalapit na laban, taliwas naman ito kina Chamat at Feijen kung saan sinabi nila na masaya na sila na maka-laro ang mga Filipino cue masters na kanilang kinu-kunsiderang mabigat na kalaban.

ANTONIO LINING

BILLIARD CONGRESS OF AMERICA HALL OF FAME

BUSTAMANTE

EARL STRICKLAND

HULYO

IMMONEN

LOOP ENTERTAINMENT CENTER

MARCUS CHA

MIKA IMMONEN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with