Lobaton, Diaz nanguna sa Roxas leg ng Milo Marathon elims
June 30, 2003 | 12:00am
ROXAS City -- Napanatili ni Adonis Lobaton ang kanyang korona, kasabay ng pagpapalawig ni Gloria Diaz ng kanyang winning run sa limang sunod na pamamayani sa pagtatapos ng ikalawang regional leg ng 27th National Milo Marathon na ginanap sa Roxas City kahapon ng umaga.
Ang 24-anyos na si Lobaton, nanguna noong nakaraang taon sa Roxas City leg ng magtala ito ng tiyempong 1:09:39 ay tumawid ng finish line ng 20-kilometrong karera sa oras na 1:10:28.
Pumangawa kay Lobaton si Remil Desuyo (1:12:45) na sinundan naman ni Rogin Diaz (1:14:18).
Bunga ng kanilang pagtatapos, sina Lobaton, Diaz at Desuyo ay umentra na sa full marathon sa kauna-unahang pagkakataon.
Samantala, dinomina naman ng nakakatandang kapatid na babae ni Rogin na si Gloria Diaz ang distaff side ng 20-k event sa kanyang tiyempong 1:22:04.
Ito ang ikalimang dikit na panalo ni Diaz na pina-ngalawahan naman ni Roselyn Cabantugan (1:44:48) at Elma Vega (1:51:57) na nagkaloob sa kanila ng ticket para sa Finals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended