^

PSN Palaro

Dableo kampeon sa Asian Zonals

-
Winakasan ni Ronald Dableo ang kanyang limang taong paghihintay para makuha ang kanyang kauna-unahang malaking break nang pagwagian ang Asian Zonals 3.2a chess championship sa Ho Chi Minh kahapon.

Tinalo ni Dableo ang Indonesian IM na si Irwanto sa ikasiyam at huling round at ang pagkakasungkit niya ng IM title ang naglapit sa 24-anyos Air Force player at coach ng UST women’s chess team para sa GM title.

Umiskor si Dableo ng pitong puntos sa nine-round event na ito upang umusad sa world championship. Dominado ng Filipinos ang nasabing tournament kung saan sa pagtatapos ng laban ay pawang nagsipagtabla sina GM Joey Antonio at GM candidate Mark Paragua ay may tig 6.5 puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang pinaglalabanan nina Paragua at Antonio ang ikalawang slot sa world championship.

Nakipag-draw si Antonio sa top seed na si Wu Shaobin, habang ginapi ni Paragua ang Indonesia IM na si Salor Sitanggang upang ipuwersa ang playoff.

Ang kampanya ni Dableo para sa kanyang inaasintang GM title ay hindi gaanong malakas dahil sa pagkawala ng ilang mahuhusay na Grandmaster sa Southeast Asian.

Ang panalo ay nagkaloob kay Dableo na mapasama na sa Zonals at SEAG. At dahil sa isang slot na lamang ang nalalabi sa Shell National Open, naungusan ni Dableo ang beteranong si Fernie Donguines upang makopo ang titulo at mapagkalooban ng biyahe sa Vietnam.

AIR FORCE

ASIAN ZONALS

DABLEO

FERNIE DONGUINES

HO CHI MINH

JOEY ANTONIO

MARK PARAGUA

PARAGUA

RONALD DABLEO

SALOR SITANGGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with