Si Kiamco, ranked No. 10 sa World Pool Association rankings ay makakaharap si Souquet sa alas-6 ng gabi.
Sa kabilang dako naman, si Reyes, nagbigay sa bansa ng karangalan nang mapagwagian ang World Pool Championship crown sa Cardiff, Wales noong 1999 ay makikipagpalitan ng tako kay Chamat sa alas-7 ng gabi.
Ito ay agad na susundan ng laban nina Antonio Lining, SEA Games gold medalists kontra kay Mika Immonen sa alas-8 ng gabi at makikipagtagisan ng talento si Francisco Django Bustamante kay reigning Finland Open titlists Niels Feijin ng Netherland sa alas-9 ng gabi.