At habang nalaglag naman ang co-leader na si IM Mark Paragua at beteranong GM na si Eugene Torre na bigo sa kanilang laban, napanatili ni Dableo ang momentum ng kanyang 6th round tagumpay kontra sa 12 year prodigy nang humatak ito ng 40-move na panalo laban naman sa 13 anyos na si Nguyen sa kanilang Queens Pawn game.
Ang panalo ay nagbigay kay Dableo ng kabuuang 6 points, ang kailangang bilang para sa outright IM title sa ilalim ng FIDE guidelines.
Ngunit higit sa lahat ang pagkuha ng puwesto sa world tilt at manguna sa 9-round tournament kung saan ang dalawang pangunahing players ang aakyat sa World Championships ang nina-namnam ni Dableo.
Kailangan na lamang ng 24 anyos na reigning National Open champion na umiskor ng half-a-point sa huling dalawang round para masiguro ang sarili ng playoff sa ikalawang world championship berth.
Nanaig naman ang isa pang Pinoy GM na si Joey Antonio kay Liem Quang sa 47 sulungan ng Queens Indian Opening.
Ang 5th seed naman na si Paragua ay lumasap ng kabiguan sa Indon FIDE Master na si Irwanto matapos ang 38 move ng kanilang Center Game.
Pinakamasamang kabiguan ay kay Torre na yumuko sa 27th ranked na si Pham nang magresign ito sa ika-65th sulungan ng Sicilian.