Dableo solo lider sa Asian Zonals
June 27, 2003 | 12:00am
Mas umangat ang talento ni Ronald Dableo sa kalabang 12-anyos na si Liem Le Quang ng Vietnam nang kanya itong talunin sa 53 sulungan ng Kings Indian Attack upang angkinin ang solong pangu-nguna makaraan ang anim na rounds ng Asian Zonals sa First Hotel sa Ho Chi Minh City sa Vietnam noong Miyerkules.
Ang panalo ay nagpapatag sa 24-anyos na si Dableo, na ang dalawang iba pang draws sa mahigpitang tournament na ito, at nagkaloob sa kanya ng limang puntos para sa kalahating puntos na kalamangan sa kababayang GM candidate na si Mark Paragua patungo sa final na tatlong rounds ng tournament na ito na magsisilbing qualifier para sa World Championships.
Susunod na makakalaban ni Dableo ay ang isa pa ring mahusay na manlalaro, kung saan tangka niyang maisukbit ang ikalimang dikit na tagumpay kontra sa isa pang Vietnamese na 13-gulang na si Truong Ngoc Nguyen na kasalukuyang nakikipagbuno pa habang sinusulat ang balitang ito.
Umaasa si Dableo na magagapi niya si Truong na tumalo naman sa top seed na GM na si Wu Shaobin sa fourth round at makukuha ang sapat na kumpiyansa tungo sa huling dalawang rounds kung saan inaasahan na niya ang mas mahigpit na hamong ibibigay ng iba pang kalaban na kinabibilangan ng top Filipino GMs na sina Eugene Torre at Joey Antonio.
Muling nakabalik sa kontensiyon si Torre makaraan ang tatlong dikit na draws kung saan ang kanyang laban kontra kay Paragua ay nauwi sa draw matapos ang 45-moves ng kanilang Trompovsky encounter.
Si Paragua na ranked fifth sa tournament na ito, na basehan para sa pagpili ng dalawang kakatawan sa Zone 3.2a mens world title ngayong taon, ay mayroon ng nalikom na 4.5 puntos.
Haharapin ni Paragua, ang susunod na pag-asa ng bansa para maging ganap na GM, ang Indon FM na si Irwanto Sadikin sa seventh round.
Nauwi rin sa draw ang sagupaan sa pagitan nina Antonio at Chuong Pham ng Vietnam upang pangunahan ang malaking grupo na may tig-4 puntos na kinabibilangan nina Torre, Liem at Irwanto.
Sa wakas, umiskor na rin ng tagumpay si Bong Villamayor, ang ikatlong Pinoy GM, nang kanyang gapiin si Jason Goh Koon Jong ng Singapore sa 60-moves ng Slav defense at nagposte ng 3.5 puntos.
Sa womens side, pinayukod ni Arriane Caoili si Zulaika Siti ng Malaysia sa 37-moves ng Pirc defense.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended