^

PSN Palaro

Labanan sa playground

GAME NA! - Bill Velasco -
Mahirap talaga ang buhay ngayon, at lingid sa kaalaman ng marami, nakikita ito sa relasyon ng mga malalaking kompanyang gumagawa ng sports shoes at damit na panlaro.

Lahat ng mga multinational companies na gumagawa ng pam-basketbol ay bumitaw na sa kontrata sa marami nilang endorser sa PBA at mga college leagues. Ito ay bunga di lamang ng sama ng eko-nomiya, kundi dahil na rin sa takot ng ilan na kumuha ng endorser na sasabit sa mga parami ng paraming mga drug test.

Liban diyan, dahil sa malalaking kontrata ng mga bagong interna-tional endorser (tulad ng bagong-pirmang si LeBron James para sa Nike) mahirap magbayad para isuot ang sapatos at damit.

Ngayon, dumarami ang naghahanap ng bagong-sibol na mga player para mapapirma ng mahabaang kontrata. Tila tapos na ang mga panahon ng pagbibigay ng milyun-milyon sa mga player para isuot ang kanilang mga sapatos at damit.

Mas madali'ng kumuha ng mga high school o college players na papasok sa mahabaang usapan para mas makatipid. Kung tutulu-ngan nila itong player na ito habang pasikat pa lang, maaaring tuma-naw ito ng utang na loob sa brand na kanyang ineendorso.

Dito nauna na ang RFM Corporation. Pinasok na nila ang grade school sa pamamagitan ng Selecta Moo basketball camp nila, at nagbabalak ng malakihang torneo para sa mga grade school sa Metro Manila. Lahat ng mga brand: Adidas, Nike, And1, Reebok, ay nagha-hanap ng paraan para mapalawak ang kanilang impluwensya sa mga mag-aaral. Mas madali ito kaysa sa kumuha na lamang ng kilalang endorser, bagamat mas matrabaho.

Ang hirap lamang sa ganitong estilo ay kung minsan, hindi napu-punta ang advertising sa mga mismong bumibili ng basketball shoes. Alam nating hindi mura itong mga ito, kaya pinag-iisipan ngayon ng mga multinationals kung paano magiging swak sa mga mamimili nila ang gagawin nilang mga event at ads.

Sino ba ang makapagsasabi kung nakakatulong sa benta o hindi ang mga ginagawa nilang campus tour at iba pang events? Mahirap sukatin ang epekto nito, subalit may relasyon ang mas malawak na kaalaman tungkol sa mga bagong tatak na sapatos sa mabilisang paglago nitong mga ito. Saan nga dapat ilagay ang salapi ng mga name-brand manufacturers, sa PBA o sa mga paaralan?

Isa lang ang masama sa mga ganitong taktika ay ang inggitang nangyayari sa mga paaralan. Natural lamang na naisin ng mga kaba-taan na masuot ang "cool" na sapatos ng kanilang paboritong NBA at PBA players. Kaya lumalaganap ang mga pekeng sapatos. Pati ang mga bagong modelong hindi pa lumalabas sa mga tindahan ay nakopya na't ibinebenta ng mga pirata. Sana'y tigilan na ito dahil marami nang naaksidente sa pagbili ng marurupok na pekeng sapatos. Kung gusto nating gumaya, gawin naman natin sa tamang paraan.

ADIDAS

ALAM

DITO

LAHAT

MAHIRAP

METRO MANILA

PARA

SELECTA MOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with