^

PSN Palaro

Dableo, Paragua nag-draw

-
Upang mas mapalakas ang kani-kanilang kampanya, ginamit nina Ronald Dableo at Mark Paragua ang kani-kanilang utak upang sumang-ayon sa isang draw ng kanilang Sicilian game at manatiling nasa liderato sa pagtatapos ng ikalimang round noong Miyerkules sa Asian Zonals sa First Hotel sa Ho Chi Minh City sa Vietnam.

Tumagal lamang ng 15 sulungan ang sagupaan ng Filipinos bago naghati sa puntos at pataasin ang kani-kanilang total output sa apat na puntos patungo sa ika-anim na round ng 9-round Swiss system event, na kilala bilang Zone 3.2a championships kung saan ang top two players ay makakakuha ng slot para sa Men’s World Championship ngayong taon.

Ngunit ang nasabing draw ay nagbigay rin ng magandang pagkakataon sa Vietnamese na si Liem Le Quang na nagawang makisosyo kung saan tinalo ng local bet na No. 28 sa field of 36 ang kababayang si Hoang Minh Pham upang hablutin ang kanyang ikaapat na puntos.

Dalawa pang draws ang naitala ng dalawang Filipino GMs at nananatili naman sina Joey Antonio at Eugene Torre sa ikala-wang puwesto sanhi ng kanilang magkawangis na 3.5 puntos.

Si Antonio, ranked third dito sa likod ni GM Wu Shaobin ng Singa-pore at GM Nguyen Anh Dung ng Vietnam ay nabigong makasalo sina Dableo at Paragua sa pangunguna matapos na mapigil sa 33-move draw ng 11th seed na si Irwanto sa kanilang Queen’s Gambit encounter.

Hawak ang mga itim na piyesa, nauwi naman sa draw ang laban ni Torre kontra sa local bet na si Quang Bao makaraan ang 41 moves ng isa ring Sicilian.

Dumausdos naman ang kampanya ni Bong Villamayor, ikatlong GM sa field nang mabigo siya sa 40-sulungan kontra kay Indon Salor Sitanggang ng kanilang Slav game kung saan nakalikom lamang siya ng 2.5 puntos at kailangan niyang ma-sweep ang apat na nalalabing laro upang manatili sa kontensiyon para sa isa sa dalawang puwesto sa world championships.

Haharapin ni Dableo, na nanaig kontra top-seeded Wu sa fourth, si Liem sa sixth round encounter.

Sa iba pang laro, maglalaban naman sina Antonio at Pham, Torre kontra Paragua.

Samantala, sa kababaihan, winalis ni Arianne Caoili si Nguyen Thi Ngan Binh upang isukbit ang kanyang ikapaat na puntos upang makisosyo sa ikalimang puwesto kung saan nangunguna si Bathuyag Mongontuul na may 5 puntos.

ARIANNE CAOILI

ASIAN ZONALS

BATHUYAG MONGONTUUL

BONG VILLAMAYOR

DABLEO

EUGENE TORRE

FIRST HOTEL

HO CHI MINH CITY

HOANG MINH PHAM

INDON SALOR SITANGGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with