^

PSN Palaro

Coach nais upakan ang kapwa niya coach

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Naloka ang mga coaches na dumalo sa press conference ng NCAA sa ABS-CBN compound nung Lunes.

Ipina-valet nila ang kanilang mga sasakyan bago sila umattend ng presscon. Nung matapos sila, siyempre pa, ipinakuha na nila ang mga kotse nila. Hindi sila pinayagang pumunta sa parking lot at ang mga valet boys lang daw ang puwedeng kumuha ng sasakyan.

Aba, inabot ng isa't kalahating oras bago naiakyat ang kotse ng isang NCAA coach magmula sa parking.  Naloka siya sa tagal. Mas matagal pa nga naman ang ginawa niyang paghihintay para makuha ang kotse niya kaysa sa press conference. At ganyan din ang nangyari sa iba pang may dalang kotse sa naturang presscon.

Sa dami ba naman ng pumapasok na kotse sa ABS-CBN, talagang maloloka ang mga valet boys. 
* * *
Naging matagumpay naman ang naturang press conference para sa NCAA. Dumalo ang mga coaches, team captains at ang magagandang muses ng 8 schools. Nandoon din ang management committee at ang iba pang officials ng mga schools.

Pinangunahan sila ni Frankie Gusi, ang chairman ngayon ng management committee. Si Frankie ang siyang athletic director ng host school, ang San Sebastian College

Napag-usapan ang mga bagong rules ng NCAA.

Mukhang handang-handa na nga ang lahat para sa kanilang pagbubukas na gaganapin ngayong Sabado, June 28 sa Araneta Coliseum.
* * *
Upakan kaya ng isang college coach ang isa pang kapwa niya college coach kapag nagkita sila sa laro?

Nahuli kasi ni Coach no. 1 na sinusulot nitong si Coach no. 2 ang dalawa sa kanyang key players.

Nagulat na lang si Coach no. 1 nung malaman niyang muntik na pala siyang mawalan ng dalawang magaling na players dahil pilit silang kinukuha ni Coach no. 2 .

"Walang mangyayari sa 'yo dyan, lumipat ka na lang dito sa akin," sabi daw ni Coach no. 2 sa isang sikat na college player.

Mabuti at nagtimpi si Coach no.1 kung hindi raw eh sinugod niya sa eskuwelahan itong si Coach no. 2.

Si Coach no. 1 ay sa NCAA at si Coach no. 2 ay sa UAAP.

Personal: Happy birthday to Benjie Alipio at nakikiramay naman kami sa pamilya ni Prof Jess Reyes dahil  ang kanyang dakilang ina ay sumakabilang buhay na. Ganun din sa pamilya ni Coach Marcelino Raymundo na yumao naman a few days ago. Our condolences!

ARANETA COLISEUM

BENJIE ALIPIO

COACH

COACH MARCELINO RAYMUNDO

FRANKIE GUSI

NALOKA

PROF JESS REYES

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with