Europe vs Philippines sa 9 ball championships
June 25, 2003 | 12:00am
Matapos dominahin ang kanilang Asian counterparts, susubukan na-man ng mga Pinoy cue artists na makipaglaban sa pinakamahuhusay na pool players mula sa Europa sa kanilang paghaharap sa "Europe vs Philippines" simula sa Hulyo 2 sa The Loop sa ABS-CBN compound sa Quezon City.
Si Efren Bata Reyes, na tinalo si Warren Kiam-co sa all-Filipino finale sa Asian 9-Ball Champion-ships kamakailan, ang mangunguna sa apat-kataong RP squad na binubuo din nina Francisco Django Bustamante at Antonio Lining sa kanilang pakikipagpalitan ng tako kina Mika Immonen ng Finland, Ralf Souquet ng Germany, Niels Feijin ng Netherland at Marcus Chamat ng Sweden.
May nakalaang $15,000 para sa event na lalaruin ng single round robin format, race-to-7 sa ilalim ng alternate break format.
Ang top two players mula sa team ay aabante sa crossover semis na ang No. 1 Pinoy ay haha-rapin ang No.2 ng Europe at ang top ranking player mula sa Europe ay makikipaglaban sa second-ranked Pinoy sa race-to-11 matches.
Ang championship ay race-to-13 sa ilalim din ng alternate break format at ang magkakampeon ay mag-uuwi ng $15,000. Ang second placer naman at tatanggap ng $10,000 at $5,000 at $3,000 para naman sa 3rd at 4th placer, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended