^

PSN Palaro

Hapee kakatawan sa ABC Champions Cup

-
Hindi lamang ang pagbabalik sa linya ng kampeonato ang nakuha ni Hapee coach Junel Baculi sa pagsungkit ng korona sa katatapos na Sunkist-PBL Unity Cup kundi maging ang slot sa isang nakalaang international stint.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, kapag hindi itinuloy ng Spring Cooking Oil ang kanilang paglahok sa ABC Champions Cup, kinokunsidera ang Lamoiyan franchise na pag-aari ni Cecilio K. Pedro na kumatawan sa bansa sa prestihiyosong event na ito.

At hindi na bago ito kay Baculi ang mga prestihiyosong torneo na tulad nito dahil minsan ay naging back-to-back champion ito sa ABC Champions Cup noong kalagitnaan ng 1990.

Ang una ay noong 1995 hawak ang Andok’s PBL All-Stars Selection na nagkampeon makaraang igupo ang Korea sa Kuala Lumpur at ikalawa naman ay ng sumunod na taon na inihost ng ating bansa at kinatawan naman ang Hapee Toothpaste.

"We’re always ready to serve national interest. It’s always an honor to represent the country in such prestigious interna-tional competitions," ani Baculi sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila Pavi-lion na itinataguyod ng Red Bull, McDonald’s Agfa Color at Pioneer Insurance.

"Siguro ang pag-uusapan na lang, ‘yung budget," ani Hapee team manager Bernard Yang na kasama ni Baculi sa Forum kasama ang mga key players nilang sina Peter June Simon, Rich Alvarez, Joel Dualan, Christian Luanzon, Ryan Dy at Francis Mercado.

Dumalo din sa naturang forum ang pinarangalan ng PBL Press Corps bilang Best Coach of the Year na si Viva Mineral Water mentor Koy Banal, sa natatanging tagumpay na madala sa kampeonato ang bagu-hang team sa best-of-five championship series kontra sa Hapee sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup.

vuukle comment

AGFA COLOR

ALL-STARS SELECTION

BERNARD YANG

BEST COACH OF THE YEAR

CECILIO K

CHAMPIONS CUP

CHRISTIAN LUANZON

FRANCIS MERCADO

HAPEE

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with