Tinapos ni Ballester, ang Navymen na two-time Milo marathon champion ang 42.195-kilometrong karera sa bilis na dalawang oras, 30-minuto at 17 segundo upang pamunuan ang mens division.
Nagtala naman si Cachero, ang 2001-2002 national champion sa 5,000 at 10,000m events ng tatlong oras at dalawang minuto para manguna sa womens category.
Bagamat nagkaroon ng problema sa Water station, sinabi ni Ali Atienza, ang chairman ng nag-organisang Manila Sports Council na isang malaking tagumpay ang event na ito dahil nadoble ang kanilang inaasahang 20,000 partisipante.
Si Ballester ay nagbulsa ng P75,000 habang si Cachero ay mayroon na-mang P50,000 bilang champions sa kani-kanilang divisions.
"Pinaghandaan ko talaga ito kahit medyo late na sa panahon," wika ng 29-anyos na si Ballester. "Pero ang talagang target ko ay ang Vietnam SEA Games sa December."
Pumangalawa naman ang isa pang national team member na si Crisanto Canillo para sa P50,000 runner-up prize habang ikatlo si Roger Sawin-Ay ng Lantaran, Bukidnon.
"Napakasaya ko po dahil sobrang hirap ng dinaanan ko para makuha ito. Halos walang water station. Mabuti na lang may kasama akong nag-abot ng tubig sa akin," sabi naman ni Cachero.
Sumegunda kay Cachero si Mary Chiel Minas sa tiyempong 3:28.04 at ikatlo naman si Daisy Castillo (4:07.26).
"Kahit naman saang marathon ay talagang nagkakaroon ng problema lalo kung nagsisimula pa lamang. Pero masasabi kong success ang first edition ng Manila Marathon dahil maraming dumating na wala sa registration," ani Atienza.