MayniLA sadsad sa Taguig

MALOLOS CITY – Pinutol ng Taguig ang five-game winning streak ng MayniLA habang nakapasok naman ang Spring Cooking Oil ng Bulacan sa win column matapos ang pitong pagtatangka makaraan ang kanilang magkahiwalay na panalo sa National Basketball League (NBL) national championship sa CEU Centrodome dito.

Tinalo ng Taguig ang MayniLA sa 91-83 nang pangunahan nina Robin Mendoza at Jimmy Robillos ang 11-3 run sa last two minutes.

Sinayang naman ng Cooking Oil Masters ang 16-puntos na pangunguna bago sumandal kina Marphyl Limbo at Tyrone Bautista upang igupo ang Bacolod sa 84-71.

Umangat ang Taguig sa 3-2 record matapos dungisan ang record ng MayniLA (5-1) habang ang Spring ay may 1-7 kartada matapos ipalasap ang ika-5 kabiguan sa Bacolod.

Show comments