^

PSN Palaro

Malaking bilang ng atleta ang ipadadala sa Vietnam SEAG

-
Malaking bilang pa rin ng atleta ang inaasahang maipapadala ng bansa para isabak sa darating na 22nd SEA Games sa Hanoi, Vietnam ngayong Disyembre.

Ito ay base sa pananaw ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit matapos ang ginanap na one-on-one meeting ng binuong Technical Commission.

Ayon kay Dayrit, inaasahan niyang lolobo sa 500 ang bilang ng delegasyon na ipadadala ng bansa sa nasabing biennial meet na kinabibilangan ng atleta, opisyal at mga coaches.

"They’ve been meeting with all the National Sports Associations for the past three or four months already in order to tresh out the criteria and the process for selecting the athletes that will go to the Vietnam SEA Games," wika ni Dayrit.

Ang nasabing meeting ay pinangunahan nina Steve Hontiveros ng bowling bilang chairman at ang RP chef de mission na si Julian Camaso ng wushu.

Bagamat apektado ang training ng mga atleta dahil sa pagbulusok ng SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) sa China at iba pang bansa sa Asian, kumpiyansa pa rin si Dayrit na magiging maganda ang kampanya ng bansa sa SEAG.

"In their one-on-one meetings with the National Sports Association, it seems like the NSA are proceeding with their preparation despite the challenges that are prevailing," ani Dayrit. "Una na siguro dito ‘yung SARS epedemic."

Maliban sa China, ang iba pang bansang pinagsa-sanayan ng bansa ay Korea at Japan.

Itinakda rin ni Dayrit ang huling araw ng pagsusumite ng line-up sa Hulyo 19. (Ulat ni Maribeth Repizo)

CELSO DAYRIT

DAYRIT

JULIAN CAMASO

MARIBETH REPIZO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

STEVE HONTIVEROS

TECHNICAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with