Quirimit mangunguna sa Tour of Tagaytay
June 18, 2003 | 12:00am
Tatahakin ng mga pangunahing riders ng bansa sa pangunguna ni Tour Pilipinas 2003 champion Arnel Quirimit ang pagpadyak sa mataas na bayan ng Tagaytay sa isang araw na Tour of Tagaytay sa Biyernes.
Personal na si Tagaytay mayor Francis Tolentino ang magpapatakbo ng 140-kilometer race sa kapaligiran ng paboritong bakasyunan sa bansa.
Ang karera ay magsisimula sa ganap na alas-8 ng umaga.
Ang Tour Pilipinas Inc. na nagbalik ng multi-staged annual cycling tour noong nakaraang summer ay nagbigay ng sanction sa karerang ito na ang magwawagi ay magbubulsa ng pangunahing P15,000 premyo bukod pa sa circuit points na kanilang aanihin para sa susunod na taong tour.
Iniimbitahan ni Tolentino ang lahat ng siklista na pumunta sa Tagaytay sa Huwebes para maampon sila ng 34 barangays na magsisilbing kanilang koponan.
May libreng pagkain at tirahan ang mga siklistang lalahok na ayon kay race director Art Cayabyab ay marami nang nagparehistro. At sa mga nagnanais magpalista maari nilang tawagan ang telepono bilang 5369378 para sa karagdagang detalye.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended