^

PSN Palaro

RP Spikers tutungo sa Japan sa Asia-Pacific Men's Volleyball

-
Malalaki, mga bata at promising na Philippine men’s volleyball squad ang umalis kahapon upang sumabak sa prestihiyosong 15th Asia-Pacific Cup Men’s Volleyball Championship sa Fukuoka, Japan.

Ang naturang tournament ay magsisimula ngayong araw na magwawakas sa June 21 kung saan ito ang magsisilbing matinding pag-subok ng Philippine Team na sasabak sa kanilang kaunaunahang tournament makaraang magbakasyon ng tatlong taon.

Ang kampanya ng bansa na babanderahan ng mga mahuhusay na manlalaro ng bansa na hinugot mula sa iba’t-ibang colleges sa Metro Manila, ang koponan ay binubuo ng average height limit na 6-foot-3 at ang pinakamalaki ay 6’7, at tanging dalawang manlalaro lamang ang mababa sa anim na pulgada.

Ang dating national junior coach sa Korea na si Song Ho Young ang siyang mentor ng koponan na siya ring training director ng men’s at women’s team, habang ang dating national coach na si August Sta. Maria ang siyang head delegasyon.

Pangungunahan ng power-hitting pair na sina Oliver Balse, dating manlalaro ng UST at Rhovyl Verayo ng University of St. La Salle-Bacolod. Kabilang sa top six rotation ng koponan sina Dante Alinsunurin ng Adamson, Jeffrey Drio ng UST at Chizon Escosio ng San Carlos College sa Pangasinan.

Ang iba pang kalahok na bansa sa tatlong araw na tournament ay kinabibilangan ng defending champion Japan, Thailand, Malaysia, Indonesia at Vietnam.

ASIA-PACIFIC CUP MEN

AUGUST STA

CHIZON ESCOSIO

DANTE ALINSUNURIN

METRO MANILA

OLIVER BALSE

PHILIPPINE TEAM

RHOVYL VERAYO

SAN CARLOS COLLEGE

SONG HO YOUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with