Kumawala sa kaagahan ng ikatlong quarter ang Teeth Sparklers at inalagaan ang trangko tungo sa kanilang panalong nagtabla ng best-of-five championship series sa 2-2 panalo-talo.
Bunga nito, ang mananalo sa deciding Game-Five bukas sa Pasig Sports Center ang tatanghaling kampeon ng kumperensiyang ito.
Binanderahan nina Peter June Simon, Niño Gelig at Allan Salangsang ang Hapee na humawak ng 44-39 bentahe matapos ang dalawang quarter.
Umiskor si Salangsang ng 11 sa kanyang tinapos na 18-puntos sa ikalawang quarter kung saan nag-ambag naman ng siyam sa kanyang 15-puntos na produksiyon si Gelig.
Isang 17-4 run ang pinakawalan ng Teeth Sparklers upang kunin ang 18-puntos na kalamangan, 61-43 sa ikat-long quarter.
Ang pinakamalaking bentahe ng Hapee ay 19-puntos, 71-52 sa ikaapat na quarter na siyang tuluyang dumiskaril sa kampanya ng Viva na angkinin ang titulo.
"Wala pang dapat I-celebrate kasi kailangan pa rin naming manalo sa Game-Five," pahayag naman ni coach Junel Baculi. "Even ang dala-wang teams kaya ang koponang magpapakita ng mas malaking puso ang mananalo."
Naging malaking kawalan sa Hapee ang maagang pagkaka-fouled-out ni Eugene Tan sa Game-Three na naging sanhi ng kanilang pagkatalo.
"Noong last game, medyo masama ang laro ko at sinabi kong babawi ako ngayon dahil baka last game na namin nga-yon," pahayag ni Tan na tumapos ng siyam na puntos, 10-rebounds at 9-assists. "Sisikapin naming makuha ang Game Five." (Ulat ni Carmela Cchoa)