^

PSN Palaro

May susunod na sa yapak ni Ato Agustin

-
Nagulat ako nang makita ko si Ato Agustin, huling naglaro sa PBA sa koponan ng Batang Red Bull sa exhibition game ng SMC All-Star bilang pampagana bago ang titular showdown ng Philippine Star at Red Bull Barako sa Coke Light Invitational Basketball Championship.

Medyo tumaba pero may ibubuga pa rin naman sa paglalaro. Siguro kailangan lang niyang mag-trim down para hindi na siya madaling mapagod.

Siyempre, hindi mawawala ang konting kuwentuhan at sinabi niya sa aking, wala na rin naman siyang balak na mag-balik aksiyon pa.

"Alam mo, naramdaman ko ang pagod nang magdecide akong tumigil na sa paglalaro. Parang ang feeling ko hapung-hapo ang katawan ko at gusto ko talagang ipahinga," bungad ni Ato nang kumustahin ko.

Kaya sa ngayon, naglalaro na lang siya kapag may imbitasyon ang SMC All-Star, tulad nga noong Sabado.

Pero buong pagmamalaki din niyang ikinuwento ang kanyang panganay na anak na si Mark na ngayon ay 17 years old na may height na 6’3 at papasok ng kolehiyo sa Adamson University.

"Grabe, ang galing maglaro. Nagdadunk pa nga siya at talaga namang hinahangaan siya sa Pampanga (lalung-lalo na ng mga tsiks-ed) " pagmamalaki ni Ato.

Inamin din ng tinaguriang "Atomic Bomb" ng PBA na tinanghal na MVP noong 1992, na sa tingin niya mas magaling ito sa kanya bukod sa mas matangkad.

At siyempre, dahil sa magaling namang player si Ato may pagmamanahan din ang kanyang anak na umaasang makakapasa ito kapag nag-tryout sa varsity team ng Adamson na pinamamahalaan ni coach Luigi Trillo.

Sa ngayon, wala pang masyadong plano si Ato dahil ninanamnam muna niya ang mahabang pahinga at pag-ukulan ng mahabang panahon ang kanyang mga anak. (Tatlo ang kanyang anak, 2 lalake at 1 babae).

Pero kapag may imbitasyon na maglaro para sa San Miguel All-Star hindi ito matatanggihan ni Ato dahil nanalaytay pa rin sa kanyang dugo ang paglalaro ng basketball.

Di ba Ato?
* * *
Ooops bago ko makalimutan, congrats sa buong miyembro ng The Philippine Star basketball team na nagkampeon sa Coke Light Invitational Basketball Championship at sa Red Bull Barako na nagbigay ng matinding laban.

ADAMSON UNIVERSITY

ATO

ATO AGUSTIN

ATOMIC BOMB

BATANG RED BULL

COKE LIGHT INVITATIONAL BASKETBALL CHAMPIONSHIP

LUIGI TRILLO

PHILIPPINE STAR

RED BULL BARAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with