Viva lumapit sa titulo

Idiniliber ni Dennis Miranda ang apat na mahahalagang puntos para sa Viva-Mineral Water at mahigpit na depensa naman ang ipina-malas ng kanyang mga kasamahan sa krusyal na segundo ng labanan tungo sa kanilang 58-56 panalo kontra sa Hapee sa Game-Three ng Sunkist-PBL Unity Cup Finals sa Pasig Sports Center kagabi.

Binasag ng Teeth Sparklers ang pagtatabla ng best-of-five champion-ship series para hawakan ang 2-1 bentahe sa serye na naglapit sa kanila sa titulo.

Matapos maagaw ng Hapee ang kalamangan, nalagay sa panganib ang Viva ngunit rumesponde naman sa tamang oras si Miranda upang iligtas sa kapahamakan ang kanyang koponan.

Naitabla ng Water Force ang iskor sa 56-all sa unang basket ni Mi-randa at tuluyang naibalik sa poder ng Viva ang trangko sa pamamagitan ng kanyang jumper, 21 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.

Tumapos lamang ng pitong puntos si Miranda ngunit ang kanyang 5 puntos na produksiyon sa huling 1:10 oras ng labanan ang naging susi sa tagumpay ng Water Force.

Maaari nang maisukbit ng Viva ang titulo sa pamamagitan ng kanilang panalo sa Game-Four na gaganapin sa Martes sa Pasig Sports Center uli.

Show comments