2-2 na sa NBA Finals

2-2 na ang NBA Finals between San Antonio Spurs and New Jersey Nets.

Grabe talaga ang Finals na ito.

Napakagandang panoorin dahil talagang palaban pareho.

We’re seeing basketbal at its best!
* * *
The last two minutes is brought to you by--(sponsor)

Yan ay mali.

Ano ang tama?

‘The last two minutes are brought to you by--(sponsor).

Dahil ang two ay plural kaya dapat gamitin ang are.

Hindi ko malaman kung bakit halos lahat ng sportscasters ay is pa rin ang ginagamit.
* * *
Bakit nga ba bago mag free throw ay nagpa-flying kiss pa si Jason Kidd?

Ang halik daw na yan ay para sa kanyang misis.
* * *
UPHR ang nag-champion sa Ambrosio Padilla Cup.

NU naman ang nag-champion sa Fr. Martin Cup.

Ibig sabihin nyan, magiging strong contender na sa NCAA ang UPHR ni Bay Cristobal.

Sa UAAP naman, huwag nilang iisnabin ang NU Bulldogs dahil nga sa pagkakakuha nila ng Fr. Martin Cup title. Sa dami ng sumaling college teams sa Fr. Martin Cup at malagpasan mo lahat yun, ibig sabihin eh malakas ang team ngayon ng NU.

Congratulations, UPHR!

Congratulations, NU Bulldogs!
* * *
Grabe ang ginagawang paghahanda ngayon ng ABS-CBN para sa UAAP at NCAA coverage.

Grabe ang trabaho nila araw-araw.

Walang patid na vtrs, interview at kung anu-ano pa sa mga players at coaches at mga estudyante ng competing schools.

Sinisiguro ng ABS-CBN na talagang magiging maganda ang coverage nila this year.

Sa July 12 na ang opening ng UAAP samantalang sa June 28 naman ang NCAA.

Nag-umpisa na rin ang merchandising at plugs ng dalawang college leagues na ito sa Channel 2 at Studio 23.

Show comments