^

PSN Palaro

Top long distance runners magtatagisan ng galing sa Manila Marathon

-
Nakatakdang magtagisan ng lakas ang mga top long distance runners ng bansa na sasabak naman sa Vietnam Southeast Asian Games ngayong Disyembre makaraang magpatala na para sa Manila Marathon.

Sina Roy Vence, Allan Ballester at Crisanto Canillo, ang 1-2-3 sa Philippine Marathon ay lumagda na ng kani-kanilang forms para sa Manila Marathon na idaraos sa Hunyo 22 sa out-and-back course sa Luneta. Bukod sa full 42.195-km event, mayroon ring karera para sa 10K, 5K at 3K sa Manila Marathon.

Nagparehistro rin si Flordeliza Cachero, ang Philippines’ No. 2 female marathon runner sa nasabing event na gaganap ng mahalagang papel upang madetermina ang bubuo sa national team na ilalahok ng bansa sa Sea Games.

Walang registration fees na sisingilin sa inagurasyon ng naturang karera. Ang mga registration centers ay makikita sa Manila Sports Council (MASCO) office sa loob ng City Hall at San Andres gym sa Malate, Manila at sa Philippine Amateur Track and Field Association office sa pamamagitan ng secretary-general na si Ben Silva Netto sa Rizal Memorial Sports Complex. Maaaring tumawag sa tel. nos. 5270983, 5261914 at 5277804 o telefax 5261916 para sa iba pang detalye.

Tatanggap ang top male finisher sa 42K ng P75,000,habang ang No. 1 female runner ay mag-uuwi ng P50,000. Maglalaan rin ng mga cash prizes sa makakapasok sa top 10 finishers sa men’s at women’s 42K gayundin sa iba pang distansiya.

ALLAN BALLESTER

BEN SILVA NETTO

CITY HALL

CRISANTO CANILLO

FLORDELIZA CACHERO

MANILA MARATHON

MANILA SPORTS COUNCIL

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PHILIPPINE MARATHON

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with