Nakisosyo sa karangalan nina Salip at Jainul, protegee ni tennis patron at Basilan Gov. Wahab Akbar sina Lani Enriquez na nakaungos kay Noime Damian, 6-3, 7-5 upang ibulsa ang korona sa girls 14-under class at Orie Go na nagtala ng 6-1, 6-2 panalo laban naman kay Jessie Ong na nag-umit naman ng boys14-under crown.
Tinalo ni Damian si Alex Hambre, 6-4, 7-5 para angkinin ang titulo sa 18-under division, bago pinayukod ito sa iskor na 6-7, 6-3, 6-4 tagumpay sa boys 16-under category.