Imbes na sa droga, at least sa negosyo na itinatapon.
Ang isa diyan ay si Chito Victolero na may patahian pala ng mga sports uniforms.
Si Chito ay galing sa MBA at ngayon eh naglalaro na para sa Sta. Lucia.
Ang marketing office ni Chito ay nasa Quezon City samantalang ang kanyang operations ay nasa Sta. Maria, Bulacan.
Ang pangalan ng kanyang business ay Chlomars, hango sa pangalan nito at ng kanyang misis na si Lorrie at ang anak nilang si Chello Marie.
Natutuwa naman si Chito dahil nitong nakaraang summer ay okay na okay ang kanilang negosyo dahil marami nga namang nagpapagawa ng basketball uniforms.
Good luck Chito sa iyong negosyo at sanay lumawig pa yan. Sanay gayahin ka pa ng ibang basketball players.
Kung interesado kayong magpagawa ng uniform kay Chito, tawag na lang kayo sa office cellnumber nila na 0917-8949219.
Sabi ni Chito, da best daw ang kanilang quality.
Sige nga, masubukan....
Nung ipinasok ng Viva ang team nila sa PBL, akala nilay magiging whipping team ito. Aba, akalain mong makarating pa sa finals ang mga bata ni Koy Banal.
To think na ang Hapee team naman eh mostly, puro mga Ateneo players.
Dahil sa magandang performance ng Viva-FEU sa UAAP.
Samantala, ang pagkakapanalo naman ng UPHR Altas sa Ambrosio Padilla Cup ay isa ring senyales na magiging top contender din sila sa darating naman na NCAA tournament.
Tinalo ng Perpetual ang UM Hawks sa finals ng ligang ito kung saan napakaraming college teams ang sumali.
Naging maganda ang labanan ng Perpetual at UM and in the end, ang mga bata ni Bay Cristobal ang nakakopo ng title.