^

PSN Palaro

Ikatlong panalo asam ng Compak-Shineway at M. Lhuillier

-
Ikatlong sunod na panalo ang pagsisikapang maipuslit ng Southern teams na Com-pak Shineway-Ozamiz at M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu kontra sa kani-kanilang kalaban sa pagbabalik aksiyon ngayon ng National Basketball League (NBL) national championship sa C.P. Tinga Memorial Hall.

Haharapin ng Ozamiz ang Pampanga Bulls sa alas-5 ng hapon, habang titipanin ng Cebuanos ang host Forward Taguig sa alas-7 ng gabi sa tourney na ito na suportado ng Tanduay Rhum, Air Philippines, Cebu Ferries, Panasonic, Nature’s Spring Water, Supercat, BJ Star Logistics, Gatorade, The Freeman at Molten basketballs.

Hinugot ng Ozamiz ang dating Davao Eagles na si David Cabrera para mapa-lakas ang kanilang backcourt, habang asinta naman ng Cebuanos na makakuha ng shooter at malaking tao upang mas lalo pang palakasin ang kanilang roosters.

Samantala, tinanghal naman ang prolific guard ng MayniLA na si Ernani Epondulan bilang NBL’s Player of the Week.

Nagtala si Epondulan ng 22 puntos, humatak ng limang rebounds at isang steal nang hiyain ng MayniLA ang Spring Cooking Oil, 72-70. Nagposte rin si Epondulan ng 19 puntos at tatlong steals sa itinalang 70-69 tagumpay ng kanyang koponan kontra Taguig.

Tinalo ni Epondulan sina Leo Vilar ng Taguig at Welihado Duyag ng Pampanga para sa lingguhang award.

AIR PHILIPPINES

CEBU FERRIES

CEBUANOS

DAVAO EAGLES

DAVID CABRERA

EPONDULAN

ERNANI EPONDULAN

FORWARD TAGUIG

LEO VILAR

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with