At sa mga pangyayari, maraming team ang tiyak na nagsisisi makaraang pakawalan nila ang Fil-Am playmaker.
Ngunit para kay Alapag, wala pa siyang naipapakita.
"We re still in the middle of the season so I dont think theres a verdict our yet. Theres still a lot to work to be accomplished," anaman ng 57 na dating miyembro ng National Pool.
Gayunpaman, maraming ulo na ang umiikot sa ipinakikitang husay ni Alapag.
Sa pagtatapos ng elimination round, nangunguna si Alapag sa karera ng mga rookies sa scoring (16.1 pts. per game) at assists (7.1per game). At isang indikasyon din ang pagkapanalo niya sa three-point shooutout noong All-Star game.
Mas maganda pa ang produksiyon niya kaysa sa No. 1pick na si Mike Cortez ng Alaska.
Una rin si Alapag sa steals sa kanyang 1.8 per game at katunayan kung ngayon magbobotohan para sa Rookie of the Year award, magiging mahigpit ang kanilang bakbakan para sa karangalan at malamang na pinakadikit na laban sa kasaysayan ng liga.