Serye tabla sa 1-1
June 11, 2003 | 12:00am
Ang malaking pagkadismaya sa pagkatalo sa Game-One at ang galit ng coach ang naging lakas ng Hapee Toothpaste para sa kanilang low scoring 52-43 panalo kontra sa Viva Mineral Water kahapon sa Sunkist PBL Unity Cup finals.
Malabakod na depensa ang ipinamalas ng Teeth Sparklers para ma-kaganti sa Water Force at itabla ang best-of-five championship series sa 1-1 panalo-talo.
Binantayang maigi ng Hapee ang mga scorers ng kalaban para limitahan sa 16-puntos lamang ang Viva sa first half at sa kabuuang 43-puntos, ang pinakamababang ending score sa kumperensiyang ito gayundin ang winning score.
Nabokya sina Dennis Miranda, Joel Co at Gerard Jones sa first half pa lamang kung saan naka-anim na puntos lamang ang Viva sa ikalawang quarter na nagkaloob sa Teeth Sparklers ng 21-16 bentahe sa first half.
Magpapatuloy ang aksiyon sa Sabado para sa Game-Three na gaga-napin sa Pasay Sports Complex sa alas-4:00 ng hapon.
Nagbunga ang paghihirap ni Gary David para tanghalin itong unang Most Valuable Player ng bagong era ng PBL: 20 Years and Beyond.
Ang tinaguriang "Fourth Quarterman" ng Montana ang naglikha ng malaking impact para kay David kahit na nagtapos bilang fourth place lamang ang Montana kaya nakuha pa rin nito ang karangalan.
Si David, tubong-Dinalupihan, Bataan, ay umani ng kabuuang 653.90 puntos para sa MVP award ng Sunkist PBL Unity Cup.
Kasama ni David sa Mythical team sina Peter Jun Simon at Allan Sa-langsang ng Hapee na pumangalawa at pumangatlo lamang sa MVP race gayundin sina Ranidel De Ocampo ng John-O at Rich Alvarez ng Hapee.
Nasa second mythical team naman sina Francis Gerard Jones at Dennis Miranda ng Viva, Jon Dan Salvador at Topex Robin-son ng Montana at Wesley Gonzales ng Hapee.
Ang iba pang pinarangalan sa Individual Players Achievement Awards na pinangunahan nina PBL Chairman Dioceldo Sy at Deputy Commissioner Tommy Ong ay sina Joachim Thoss ng ITCSI bilang Top Newcomer, Nelbert Omolon ng Nutri-licious bilang Most Improved Player- Jeff Napa ng Viva para sa Sportsmanship Award at ang kasamahan nitong si Sunny Margate bilang Mr. Intangible.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended