Tumalon ang 1996 Sydney Olympian na si Bulauitan-Gabito ng distansiyang 6.48 metro sa womens long jump upang higitan ang kanyang silver finish sa nakaraang yugto ng meet na ito na ginanap sa Sri Lanka noong isang linggo at ibigay sa bansa ang unang ginto.
"Ito na siguro ang pinakamasaya kong araw kasi aside from nakuha yung first gold ko, unang gold rin ito ng Pilipinas sa 2003 Asian Grand Prix," pahayag ng tubong-Cagayan.
Bunga nito, umabot na sa $5,500 ang kinita ni Bulauitan-Gabito sa trackmeet na ito na binalikat ang bahagyang sakit na nararamdaman bunga ng kanyang injury sa paa.
Ang two-time gold medalists sa nakaraang dalawang yugto na si Yelena Kochshyeva ng Kazakhstan ay nakuntento lamang sa bronze medal matapos maglista ng 6.22m sa likod ng 6.30m na talon ni Wacharee Rittiwat ng Thailand para sa silver.
"Hindi ako nag-e-expect na mananalo ako, kasi may nara-ramdaman pa ako. May slight foot injury pa ako. Pero naramdaman kong magaan ako ngayon, nasa kundisyon ako," dagdag pa ni Bulauitan-Gabito. "Wala pa akong masyadong training since natapos yung National Open kasi doon ako na-injury."