2 gold binaril ni Recio

Tinalo ng multi-medalist national shooter at Barcelona Olympian na si Jaime Recio ang kanyang mga kalaban sa Olympic trap shooting upang magbulsa ng dalawang gintong medalya sa trap at double events sa katatapos pa lamang na Philippine National Shooting Association (PNSA) National Open.

Nakopo naman ni Eric Ang ang silver medal nang tumapos ito ng ikalawa na sinundan ni Jerry Sun na naka-bronze.

Napasakamay naman ng national team veterans na si Ramon Corral ang silver, habang bronze naman ang kay Edgardo Fores sa double trap.

Tumudla ng malaking puntos si Gay Maurixio-Corral, ang entry ng national sa ladies trap event upang kunin ang back-to-back individual gold at bronze na kanyang produksiyon sa nakaraang World Cup at Asian Clay Shooting Championships, ayon sa pagkakasunod.

Show comments