Pormal na tinanggap ni Jose Capistrano Jr., ang pagkapangulo ng UAAP mula kay Sonny Paguia ng National University sa isang simpleng seremonya may dalawang linggo na ang nakakaraan.
Bibigyan din ang 13 pang sports events na taunang nakalinya sa UAAP na siyang pangunahing prayoridad ng host na maghahanda sa mainit na isang oras na opening ceremony na magsisimula sa ala-una ng hapon sa Araneta Coliseum.
Maghaharap ang University of the Philippines at National University sa alas-2 ng hapon, habang ang losing finalist na De La Salle University ay makakalaban naman ang University of Santo Tomas sa alas-4 ng hapon na susundan ng kanilang juniors sa alas-6 ng gabi.
Matutunghayan la-mang ang Blue Eagles sa Hulyo 13 at makakalaban naman nila ang isa sa tatlo pang natitirang team na University of the East Red Warriors.
Ang mens basketball games ang itatanghal sa Araneta Coliseum at sa Ateneo gym sa Quezon City.
Samantala, itutuon naman ng UST ang kanilang paningin sa overall championships na kanilang hawak sa ika-9th pagkakataon. Ang UST ang overall champion sa kanilang naipong 295 puntos at ikalawa ang La Salle 273.
Ikatlo ang ang UP na may 248, kasunod ang UE 196, Ateneo 170, FEU 148, Adamson 87 at NU 18.