Sa katunayan, limang manlalaro ang mahigpit na naglalaban-laban para sa prestihiyosong award at ang kasagutan ay malalaman bukas sa gaganaping Achievement Awards na nakatakda sa alas-2 ng hapon sa Pasig Sports Center.
Nangunguna sa karera si Gary David ng Montana na may 569 puntos. Tinaguriang Fourth Quarter Man, angat siya sa scoring field sa kanyang average na 18.8 puntos, kabilang ang mataas na 33 percent (30-of-91) mula sa arko at 56 percent mula sa field (79-of-141) bukod pa sa kanyang average na 5.6 rebounds.
Ngunit dahil sa pagbagsak ng Jewelers sa ikaapat na puwesto, ang kanyang kampanya ay dumausdos na rin kontra sa tatlong manlalaro ng Hapee Toothpaste na sina Allan Salangsang, Peter Jun Simon at Rich Alvarez.
Pumangalawa si Salangsang sa overall sa kanyang itinalang 542 SPs may average na 10.4 puntos at 5.2 rebounds. Siya rin ang leagues best sa field na may 61 percent mula sa 38-of-62 tangka.
Hawak naman ni Simon ang ikatlong puwesto sa kanyang 537 SPs nang tumapos siya ng ikaapat sa scoring sa kanyang 14 puntos, habang nasa ikaapat na puwesto sa overall si Alvarez na may nalikom na 503 puntos.